2 Samuel 12:13 At sinabi ni David kay Natan, Ako'y nagkasala laban sa PANGINOON. At sinabi ni Natan kay David, Inalis din ng PANGINOON ang iyong kasalanan; hindi ka mamamatay.
Awit 50:14-15 (v.14) Mag-alay sa Diyos ng pasasalamat na alay, at tuparin mo ang iyong mga panata sa Kataas-taasan; (v.15) at tumawag ka sa akin sa araw ng kabagabagan; ililigtas kita, at luluwalhatiin mo ako.
Psalmo 46:1 Sa Punong Mang-aawit. Awit ng mga Anak ni Kora, ayon sa Alamot. Ang Diyos ay ating kanlungan at kalakasan, isang handang saklolo sa kabagabagan.