Exo. 7:5 At malalaman ng mga taga Egipto na ako ang Panginoon, pagka iniunat ko sa Egipto ang aking kamay, at pagka inilabas ko ang mga anak ni Israel sa gitna nila.
Exo. 3:14 Sinabi ng Diyos kay Moises, AKO AY ANG AKO NGA. At kanyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA.
Exo. 1:8 - At may bumangong isang bagong hari sa Ehipto na hindi kilala si Joseph. - Ang kamangmangan ay ang lupa na nagpapahintulot sa mga kasalanan na umunlad.
Exo. 6:6 Kaya't sabihin mo sa mga anak ni Israel, ‘Ako ang PANGINOON at aking ilalabas kayo sa ilalim ng mga pasanin ng mga Egipto, at aking hahanguin kayo sa pagkaalipin sa kanila, at aking tutubusin kayo na may nakaunat na braso at may mga...[ abbreviated | read entire ]
Genesis 50:20 Kayo, kayo'y nagnasa ng masama laban sa akin, ngunit inilagay ng Diyos para sa kabutihan, upang mangyari ang gaya sa araw na ito, upang mapanatiling buháy ang napakaraming tao.
Santiago 1:7 Ang bawat mabuting pagbibigay at bawat ganap na kaloob ay mula sa itaas at nagbubuhat sa Ama ng mga liwanag na walang pagbabago, ni anino man ng pagtalikod.
Ezekiel 48:35 "Ang sukat sa palibot ng lunsod ay labingwalong libong siko. At ang magiging pangalan ng lunsod mula sa araw na yaon ay, Ang PANGINOON ay naroroon."
Psalm 84:11 Sapagkat ang PANGINOONG Diyos ay araw at kalasag, siya'y nagbibigay ng biyaya at karangalan. Walang mabuting bagay ang ipagkakait ng PANGINOON sa mga nagsisilakad nang matuwid.