Awit 86:11 Ituro mo sa akin ang iyong daan, O PANGINOON, upang makalakad ako sa iyong katotohanan: ilakip mo ang aking puso upang matakot sa iyong pangalan.
Awit 81:10 Ako ang PANGINOON mong Diyos, na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Ehipto. Buksan mo nang maluwang ang iyong bibig, at ito'y aking pupunuin.
Awit 79:13 Kung gayon kaming iyong bayan, ang mga tupa sa iyong pastulan, ay magpapasalamat sa iyo magpakailanman; sa lahat ng salinlahi ang papuri sa iyo'y aming isasalaysay.
Awit 74:18 Alalahanin mo ang iyong kapulungan na iyong binili noong una, na iyong tinubos upang maging lipi ng iyong mana! At ang bundok ng Zion na iyong tinahanan.